Monday, 8 April 2019

Umaasa

Umaasa ako na darating ang araw na muli tayong magkikita,
Darating ang oras na muli tayong magkakasama,
Ang isip at puso ko ay umaasa sa tuwina..

Ang pag-asa ko ay unti-unting nauubos,
Katulad ng kandila na nauupos,
Hanggang kailan sa alaala igagapos..
Ang  dating oras na sa galak ay lubos..

Ang aking pag-asa ay ibinibigay ko kay Bathala.
Upang sa atin Siya ang magpala..
Kung darating ang pagkakataon na tayo ay muling magkikita..
Ang ibig sabihin tayo ay para sa isa't isa..

2 comments:

  1. As a quote says, "If you are destined to each other,love will find a way" :)

    ReplyDelete
  2. Minsan humahawak tayo kahit sa maliit na pag-asa dahil dun tayo nakakaramdam ng gaan sa puso dahil sa pagbabakasakali na bka meron pa, o darating pa. If you are really meant to be... then you are

    ReplyDelete