Wednesday, 17 April 2019

Bakit..?



Ang dami kong gustong itanong,
Subalit hindi nabigyan ng pagkakataon..

Ang dami kong naging bakit,
Ngunit lahat ay hindi nasambit..

Bakit ba tayo ay pinagtagpo pa..?
Kung hindi rin pala tayong dalawa..

Bakit ba nahulog ako sa iyong mga salita?
Na hindi mo pinahalagan kahit isang kataga. 

Bakit ba ako umaasa...?
Samantalang para sayo ay wala lang talaga...



Bakit lahat ay nagbago..? 
Pinaikot mo ang aking mundo...

Bakit wala akong karapatan sa isang katulad mo? 
Masyado nga sigurong magkalayo ang ating mundo... 

Bakit... Bakit.. At hanggang bakit na lamang ako..  




5 comments:

  1. Mga Bakit na hindi mabigyan ng kasagutan...
    Mananatili na lang bang isang malaking katanungan?

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Bakit mapaglaro ang kapalaran?
    Bakit kung minsan hinahayaan lang masaktan?
    Bakit tayo nagtiwala at naniwala kung sa huli mauuwi lamang sa wala.

    ReplyDelete