Ang isang laban na animo'y wala nang pag-asa manalo dapat na nga bang isuko na lamang ito.. Ang pagsuko ba ay senyales ng pagkatalo o pagiging makatotohanan lamang sa reyalidad ng tao.
Sa gitna nang mainit na kaparangan.. Unti-inti kong natatanaw ang lilim ng malaking puno ng mangga.. Nais ko na dito ipahinga ang aking pagal na katawan.. Pagkapagal na natamo sa maghapong paggawa sa kabukiran.. Ang init na halos tumatagos sa aking balat ay nakakaragdag sa pagod na aking nararamdaman. Mababanaag sa aking mga mata ang lungkot na pilit kong itinatago sa iba..
Natatanaw ko ang kabukiran na animo'y isang mapanglaw na tanawin dahil sa unti-unting pagkatuyo ng mga damo at pagkakabitak-bitak ng mga lupa. Hanggang kailan nga ba ang itatagal ng pagkatuyo na ito..? Nais ko nang sumuko.. Ang pagkakapos sa hapag kainan ng pagkain na dapat ay matamasa ng aking pamilya ay lubos kong nararamdaman.. Ang pag-iyak ng aking bunso ang bumibingi sa aking tenga.. Tanda nang pagkakapos.. Kahirapang laging bumabalakid sa bawat tao.. Nais ko ng sumuko..
Ang kahirapang pinagdaraanan ng isang katulad kong magsasaka ay hindi lingid sa kaalaman ng iba. Ang katotohanang napapaalwan ang buhay ng karamihan sa ating mga kababayan ang kapalit ay pawis ng bawat isang katulad ko. Ngunit.. Nais ko nang sumuko at maghanap ng ibang ikabubuhay upang masuportahan ang naghihikahos kong pamilya...
Hangga
No comments:
Post a Comment