Saan nga ba ako patungo?
Ito'y sadyang hindi ko mapagkuro
Lalo na sa mga sandaling ako'y tuliro
At ang bukambibig ay paninibugho
Saan nga ba ako patungo?
Saang daan nga ba ako liliko..?
Saan dadalhin ng katwiran na baliko kailan mapapanatag ang aking puso..
Gulong gulo ang aking isipan..
Sadyang ako ay nagugulumihanan..
Kahit alam ko ang aking mga kulang
Hindi maamin ang aking kasalanan
Saan nga ba ako patungo
ReplyDeleteKung ang isipan ay nababalot ng pagkalito
Yaring puso ay hindi makaahon
Pilit hinihila ng kumunoy ng kahapon!