Minsan naging domestic helper ako sa Saudia Arabia, mahirap sa umpisa subalit ang lahat ay nadadaan sa mabuting pakikisama..
Oo nga't ako ay naging isang kasambahay..
Ngunit ang naging trato nila sa akin ay hindi katulong..
Tinatrato nila ako na tulad ng isang kapamilya..
Hanggang sa mapalapit ang kalooban ko sa kanila..
Mahirap ang mapalayo sa aking pamilya..
Ngunit ang lahat ay aking makakaya.. Basta para sa kinabukasan nila.. Haharapin ang lahat ng magiging problema.
Mahirap man ang naging aking trabaho..
Subalit dahil mabait ang naging aking amo..
Nabawasan ang hirap pagkat tinutulungan nya din ako..
Hindi sya naging mapagmalupit tulad nang ibang tao..
Ang Saudia ay bansang kilala
Bilang isang bansa na maraming problema..
Mapagmalupit sa nagiging katulong nila..
Ngunit napatunayan kong iba-iba rin sila..
Ako ay nagpapasalamat..
Sapagkat minsan sa buhay ko ay nadalumat..
Binuksan ang isipan kong pahat..
Na sa mabuting pakikisama nadadaan ang lahat..
Tama!😂😍
ReplyDeleteSadyang mhirap mkipagsapalaran sa ibang bansa... tibay at lakas ng loob ang kailngan...idol 😂
ReplyDeleteKailangan talaga ng tibay ng loob dahil magkaiba ang mga kultura at gayundin ang mga gawi nila..
DeleteMabuhay ang lahat ng OFW na kahit malayo sa pamilya ay handang magsakripisyo para sa kapakanan ng mga minamahal :)
ReplyDeleteMabuhay... 😃
ReplyDelete