Masakit malaman ang katotohanan,
Lalo na at bahagi ito ng katauhan
Ngunit hindi ito dapat maging dahilan
Upang masira ang pinaghirapan..
Nakakalungkot,dahil sa pagkabatid ko
May pangarap na hindi magkakatotoo
At kahit na anupaman ang gawin ko
Hindi na matutupad ang mga nais ko..
Ngunit kahit na ako ay lumuha
Alam ko na wala pa ring magagawa
Kundi ang tanggapin ang pagdurusa
Kalakip ng aking kawalan ng pag-asa
Nababalot ng poot ang aking pagkatao
Ngunit anong magagawa ng poot ko
walang dapat na sisihin kundi ako
Sa mga pagkakamali na nagawa ko..
Mahirap mang tanggapin
Alam kong darating din
Ang araw na lalasapin
Maiibsan ang damdamin..
Unti unti nawang gumaan
Ang bigat na nararamdaman
Lalo pa at hindi malaman
Kung paano makakagulapay..
Nawa ay lubusang mapawi
Ang lahat ng akin dalamhati
Sa Maykapal ay humihingi
Nang gabay na kailangan palagi..
No comments:
Post a Comment