humuhubog sa isip at katauhan nila..
ngunit paano kung ang tao ay salat sa pera?
edukasyon o edu..cash yun nga baga?
Pagbibigay aral ang inihahandog..
ng edukasyon sa tao'y huhubog..
ngunit mga mag-aaral, lilitaw lulubog
salat sa yaman..walang maipantustos..
Sa mahal ng bilihin at ng mga gastusin
paanong maaabot pangarap na bituin
mga gamit sa paaralan na kailangan bilihin
paanong magkakaroon kung ang pera'y kapos rin
Kahit ang nais sa pagaaral ay makatapos
upang kahit paano sa buhat ay makaraos
sa isipa'y itinatak na edukasyon ang tatapos
sa dinanas na buhay nang paghihikahos
Nakikita at nararamdaman naman ng tao
ang ginagawang pilit ng ating gobyerno..
subalit sadyang maraming tao ang manloloko..
pondo sa edukasyon ginagawang biro..
Edu..cash yun...sapagkat hindi makakapagtapos
ang karunungan sadyang mangangapos..
kung walang pera na syang magtutustos
upang pangarap na diploma ay maabot...
Kaya't ang pag-asa sa Diyos ay lumalapit
upang sa mapagpalang kamay Niya ay makakapit
humihingi sa Maykapal ng Kanyang malasakit
upang Edukasyon ay sadyang makamit.
nice...
ReplyDeletewow... loved it!!!!! :)
ReplyDeletemay ipinaglalaban...hugot????
ReplyDeleteWow verry nice..
ReplyDeleteLODI KO YAN ...
ReplyDeletenice one
ReplyDelete